Note: except for The Varsitarian Letter to the Editor, all the entries are the original unedited versions that I have submitted. My apologies for any typographical or grammatical errors.
Letter to The Varsitarian
Official Monthly Student Publication of the University of the Santo Tomas
published 30 August 2000, Volume LXXII Number 04
Hindi propesyunal, makatarungan at progresibo

"Ang hindi nagsusuri ay walang karapatang magsalita."
Kaakibat ng pagsusulat ay wastong pag-aambag ng datospara sa mambabasa. Dagdag dito, ang pagsusulat ay hindi para pagsilbihan ang interes o kapakanan ng iilang nakaupo sa posisyon--sa ating bahagi, ang mga nanunungkulan sa publikasyon.
Sa ikalawang isyu ng Varsitarian, kapuna-puna ang hindi pagkakaayon at di-pagkakatugma ng mga iniambag na sulatin hinggil sa ranggo ng mga pamantasan sa bansa. Una, malinaw ang kontradiksyon sa kolum ni Felipe Salvoza II at sa editoryal hinggil sa katayuan ng mga unibersidad partikular ang UST, Ateneo, at UP. Pangalawa, hindi nililinaw sa editoryal ang mga pamantayan ng Asiaweek Survey sa pagbaba ng ranggo ng mga nabanggit na unibersidad. Minadaling paghubog ng ideya ang nilalaman ng mga nasabing editoryal. Sa esensya, hindi propesyunal, makatarungan at progresibo ang gawing pamantayan ang katayuan ng ibang institusyon upang "kulayan" o "buhayin" ang katayuan ng kung sinumang gumagawa nito.
Kung uugatin (na siyang pangunahing hakbangin sa pagsusuri), 10% ang bahagdang pumapatak sa pinansyang pinanghahawakan ng mga pamantasan. Sa kalagayan ng UST, bagamat mababa ang populasyon ng estudyante, hindi kaila ang mataas na sahurin ng mga pumapasok ditto. Hindi na palalawigin ang usaping ito, na kung tutuusin ay pumapatak na moda ng produksyon sa Pilipinas.
Sa sumada, ang malaking pagkaltas sa badyet sa edukasyon ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCs)--hindi "student selectivity," hindi din sa dami ng doctorate degree o post-graduate degree.
At kung sa pananaw po natin ay "questionable" ang metodolohiya ng Asiaweek Survey, mangyaring tapatan ito ng alternatibo, ng makabagong resolusyon-hindi sasapat ang kritisismo.
Bilang pangwakas, isaalang-alang natin ang tapat na pag-ambag ng datos sa mga mambabasa--ang estudyante. Interes nila an gating pinanghahawakan at hindi natin bilang inatasang pagandahin ang publikasyon.
Sa inyo,
Abigail T. Bengwayan
BS Human Ecology
Luisito C. Abueg
BS Economics
UPLB Perspective
University of the Philippines Los Baños

back to media <<<